TV Patrol, bumisita sa Tinajeros, Malabon

ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 08:48 PM

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng TV Patrol, binisita at pinasaya ng TV Patrol Caravan ang ilang kababayan natin sa Tinajeros, Malabon.

Hinandugan ng school supplies ang ilang estudyanteng salat sa buhay pero pursigidong mag-aral.

Kasabay ng Brigada Eskuwela ay ang feeding program ng barangay officials ng Tinajeros para sa malnourished kids at mahihirap na pamilya. Namigay ang TV Patrol caravan ng biskuwit sa feeding program at groceries naman para sa mga ginang.

Nagsagawa rin ng livelihood seminar sa Robinson's Town Mall sa Malabon kung saan itinuro ang paggawa ng pagkakakitaang chocolate pops at dishwashing liquid. Namigay rin ng starter kits para sa maliit na negosyo.

Bumuhos din ang pasasalamat ng Tinajeros Elementary School sa donasyong 27 wall fans sa kanilang paaralan.

Handog din ng TV Patrol ang financial literacy seminar na layong bigyang kaalaman ang mga guro sa tamang paggamit ng kanilang pinaghirapang kita.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.