'Pantawid ng Pag-ibig': 1,500 food packs hatid sa ilang barangay sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 16 2020 03:44 PM | Updated as of May 16 2020 04:01 PM

Kasama ang Area 1-A sa Old Balara, ang Barangay Escopa, at ang Barangay Gulod sa mga inabutan ng 1,500 ready-to-eat meals mula sa Corinthian Garden, na isa sa mga partner ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN. ABS-CBN News

Dalawang buwang walang pinagkakitaan umano sa Barangay Escopa sa Quezon City, kung saan maraming residente ang nagtatrabaho bilang karpintero at construction worker. 

Kabilang dito si Melchor Basmayor, isang contractor na ngayon lang halos nakakuha ng order sa paggawa ng cabinet. 

"Wala talagang trabaho, as in talagang wala. Malaking epekto ho na nangyari sa amin, na ganito, talagang walang income," ani Basmayor. 

Hiling niya na madagdagan pa ang order sa kanilang produkto para madagdagan ang pangtustos sa pamilya. 

"Nagpapasalamat nga ako sa cumontact sa akin dahil nabigyan ako ng trabaho, at sa mga kasamahan ko na nabigyan ko ng trabaho," dagdag niya. 

Ang single father na si Eric De Vera ng Barangay Gulod, mahigit isang buwan nang nawalan ng kita ngayong ipinasara ang mga pampublikong pamilihan sa ilalim ng enhanced community quarantine. 

Kaya ang natanggap na P8,000 ayuda mula sa social amelioration program, minabuti niyang ipampuhunan sa maliliit na tindahan sa kanilang bahay para may pangtustos sa apat na anak ngayong sarado ang negosyo niyang pagbebenta ng herbal oils sa mga tiangge. 

"Simula nung nag-lockdown, wala na po, hikahos na po ako. 
Kung hindi ko gagawing tindahan, di ko pagugulungin, mapupunta lang sa wala yung pera, magagastos, at least ito bumabalik, may nakikita ako araw-araw," ani De Vera. 

Kasama ang Area 1-A sa Old Balara, ang Barangay Escopa, at ang Barangay Gulod sa mga inabutan ng 1,500 ready-to-eat meals mula sa Corinthian Garden, na isa sa mga partner ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN. 

Katuwang sa proyekto ang Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid. 

"Naawa rin ako sa mga bata rito na sabi nila simula ng pandemic di na sila nakakakain ng masarap, nung nagbigay ang ABS-CBN. Nakita ko sa mukha nila yung saya, kahit may kalamidad na nangyari dito, nakakatikim pa rin sila ng masarap na pagkain," ani Maricris Limosnero ng SNPP. 

Para kina Basmayor, malaking bagay ang inihatid na tulong sa kanila. 

"Malaki rin po yun kasi tulong din sa amin, bawas sa pang-araw-araw na gastusin," ani Basmayor. 

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.