Obra ng 80 anyos kay Coco Martin, nag-viral

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 07:54 PM | Updated as of May 01 2019 08:25 PM

NABUA, Camarines Sur -- Halos nauubos ang oras ng 80 anyos na si Fructuoso "Lolo Frocs" Nabong sa pagdo-drawing sa harap ng kanilang bahay sa Topas Proper Nabua. 

Pero ang maituturing isa sa pinakatampok niyang obra ang portrait ng aktor na si Coco Martin, na nag-viral sa social media sa tulong ng isang netizen. 

"Parang siya ang nagustuhan kong i-drawing kasi ang daming magagaling, magaganda, mga gwapo pero siya ang pinaka-okay sa akin," ayon kay Nabong. 

 

Nag-viral sa social media ang Facebook post ni Charlotte Franz Arevalo na nabatid si Nabong sa isang campaign sortie kung saan inaasahang dumalo si Martin. 

Ayon kay Nabong, sa dami ng tao ay hindi siya makasingit para maibigay ang obra kay Martin. Bukod pa rito, paralisado ang kaniyang kanang paa. 

Kinalauna'y dumating mismo kay Martin ang larawan at ipinost ito ng aktor. Sa Instagram nagbahagi ng pasasalamat si Martin, na ikinatuwa ni Nabong.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming Salamat Lolo ❤️ #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

"Dahil sa picture mo, naenganyo ang mga tao magpa-drawing, kinikilig. Sabi nang sumakay ako sa jeep, mga tao natutuwa, babae man o lalaki, matatanda, napo-promote ko din siya. Maraming salamat sa iyo, utang na loob ko rin sa iyong kasikatan," ani Nabong kay Martin. 

Kontento man sa paggawa ng mga obra, umaasa pa rin si Nabong na masilayan niya't makasama mismo si Martin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.