'Pantawid ng Pag-ibig': Psychosocial activities, pagkain hatid sa Pasig frontliners

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2020 07:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hindi biro ang epekto ng araw-araw na pagseserbisyo ng mga frontliner sa gitna ng krisis sa coronvairus disease (COVID-19) na pinagdadaanan ngayon ng bansa.

Para maibsan ang pagod at stress, sumasailalim ang frontliners mula Pasig City sa iba-ibang psychosocial activities tulad ng paglalaro, open forum, at focus group discussion.

Magkatuwang ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross sa pagbibigay ng mga aktibidad sa mga frontliner, ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

"Grabe talaga 'yong sipag, 'yong dedication nila sa kanilang mga trabaho," ani Sotto.

"Maaaring 'yong mga frontliners natin, biglang ma-burnout, ayaw po natin 'yon," dagdag niya.

Ang mga traffic enforcer naman ng lungsod, kapag may break time ay tumutulong sa pag-repack ng relief goods.

Sa enforcers din pinaabot ang lutong pagkain mula sa Jollibee at Rice in a Box, na hatid ng Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN.

"Sa amin naka-duty, malaking bagay po para sa amin, lalo na't mahirap at nagkakaubusan ng pagkain at pamili sa groceries," anang traffic enforcer na si Mcie Bernabe.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

  • Champion Detergent
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Great Taste 3-in-1
  • Hana Shampoo
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • Quick Chow Noodles
  • Mega Sardines
  • Rebisco
  • Safeguard
  • CDO Foodsphere
  • International Pharmaceuticals Incorporated
  • Lucky Me

Nananawagan ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations, na gagamitin para ipambili ng pagkain at basic necessities ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.