Mga dapat ipakain sa bata sa kanyang unang 1,000 araw

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 02:29 PM

Kritikal ang pagtanggap ng bata ng sustansiya sa unang 1,000 araw ng kaniyang buhay, magmula pa sa pagdadalantao ng kanyang ina.

Iyan ang pahayag ng pediatrician na si Dr. Marie Cris Cruz-Aspecto sa "Good Vibes" ng radyo DZMM. 
 
Hinikayat din ni Cruz-Aspecto na bigyan ng sapat na sustansiya ang mga sanggol bago pa man ito ipanganak. 

"If the mommy is properly nourished we have a better chance of having a healthy baby," aniya sa. 

Ipinapayo ni Aspecto na mabigyan ng breast milk ang bata sa unang 6 buwan mula sa pagkapanganak, at mabigyan ng mga "solid" na pagkain makalipas nito. 

Dapat daw iwasan ang mga pagkaing may "artipisyal" na sangkap tulad ng food coloring o asin, at mas mainam na pakainin ng mga malalambot na prutas ang mga bata. 

Halimbawa raw sa maaaring ipakain ang saging, mansanas, at papaya - na makakatulong umano sa isang bata na masanay ngumuya ng kaniyang pagkain. 
 
Kung pakakainin naman daw ng ubas ang isang bata ay dapat tanggalin ang buto at balat, at lamasin ito. 

Nagbabala rin ang doktor na dapat iwasang pakainin ng mani at mais ang mga bata dahil mahirap pa tunawin ang naturang pagkain. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.