Librarian na may mild autism, piniling maglingkod sa dating paaralan

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 07:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinatunayan ng isang lalaking may mild autism sa Legazpi City na hindi hadlang ang kaniyang karamdaman para maabot ang kaniyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.

Nagsilbing inspirasyon sa mga graduating student ng Genecom Institute of Science and Technology (Genecom) sa Legazpi City ang 21 anyos na si Jon Edward Oserin, na ngayo'y full time at licensed librarian ng paaralan.

Nag-aral si Oserin sa Genecom mula preparatory hanggang high school at nagtapos siya bilang cum laude sa kolehiyo noong 2018.

"I finally fulfilled one of my lifetime goals when I graduated from college as cum laude," aniya sa talumpati.

Nang makuha ang kaniyang lisensiya bilang librarian, mas pinili niyang maglingkod sa pinanggalingang paaralan bilang pasasalamat.

"Iprinisenta niya yung sarili niya sa amin na Ma'am Alma, I am here, I want to serve my school," ayon kay Maria Alma Chavez, presidente ng paaralan.

Labis ang pasaslamat ni Oserin sa tiwalang ibinigay sa kaniya. Pero aminado siyang nahihirapan siya at nakararanas noon ng pambu-bully.

May panawagan naman si Oserin sa mga may anak na may autism.

"They just need to be understood, to be respected and to be loved. and for the parents of children with special needs, continue to love your kids because you should think of them rather as a blessing for you," aniya sa talumpati.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.