KILALANIN: Grupong nasa likod ng awitin ng 'Dalagang Pilipina' challenge

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2019 11:45 AM

MANILA -- Ang grupong Allmo$t ang nasa likod ng awiting "Dalaga" na ginagamit ngayon sa online challenge na "Dalagang Pilipina."

Nitong Biyernes, bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang Allmo$t na kinabibilangan nina Clien Alcazar, Crakky Timog, at Russel dela Fuente.

Ayon kay Crakky, isinulat niya talaga ang awitin para sa mga Pinay.

"Naisip ko po kasi ang 'Dalaga' ay [alay] po sa mga Filipina, ganun po," aniya.

Ayon naman kay Russel, hindi nila inakala ang pagsikat ng kanilang awitin: "Sobrang nakakatuwa po. Kasi siyempre hindi po namin aakalain na maghi-hit po talaga ang kanta. From scratch ay nag-boom nang biglaan po."

"Kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumusuporta sa amin," dagdag naman ni Clien.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon pa kay Crakky, hindi rin nila alam kung paano nagsimula at sumikat ang "Dalagang Pilipina" challenge kung saan ginagamit na background ang kanilang awitin.

"Hindi po [namin alam paano nag-start ang challenge]. Kaya nakakatuwa po kasi sila ang gumagawa ng paraan din po," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.