PANOORIN: Piolo, nagdala ng good vibes sa mga magsasaka ng Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2018 04:20 PM | Updated as of Apr 12 2018 07:09 PM

"Magtanim ay di biro." 

Iyan ang madalas ipaalala sa atin ng ating mga magulang at guro. Iyan din ang natuklasan ng aktor na si Piolo Pascual nang bisitahin niya ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Muñoz, Nueva Ecija. 

"Kapag nakita mo kung paano ang bawat isang butil ay tinatanim ng kamay sa putik, sa arawan, maa-appreciate mo talaga 'yong value ng kinakain mo," pagbabahagi ng aktor. 

Sa kanyang pagbisita sa Nueva Ecija, nakilala ni Pascual ang mga magsasaka sa likod ng viral na "Rice Paddy Art." Ito'y isa sa mga proyekto ng PhilRice para hikayatin ang bagong henerasyon na i-appreciate at yakapin ang pagtatanim. 

"Ang love na ipinapakita ng rice farming is 'yong sense of community na kapag magkakasama kayo, mas marami kayong puwedeng itanim, mas marami kayong puwedeng anihin, at mas maraming matutulungang tao," dagdag ni Pascual. 

Alamin ang kuwento ng pagsisikap, pagbabayanihan, at pagmamahalan ng mga rice farmer sa webisode na ito: 

Watch more in iWant or TFC.tv