COVID-19 bayanihan: Hotel sa Albay libreng nagpapatuloy ng mga health worker

Karla Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 01:08 PM | Updated as of Apr 08 2020 09:55 PM

Binuksan ng The Oriental Albay hotel ang nasa 100 kuwarto nito nang libre para sa COVID-19 frontliners. Larawan mula sa The Oriental Albay

LEGAZPI, Albay - Libreng magagamit ng mga health worker na lumalaban sa COVID-19 pandemic ang isa pang hotel sa lungsod na ito, ayon sa may-ari nito. 

Inilaan ng The Oriental Albay ang nasa 100 kuwarto nito para sa mga medical professional na maaaring nangangambang mahawa ng sakit ang kanilang pamilya kung uuwi sila sa kanilang mga tahanan, sabi ng may-ari ng hotel na si Wilbert Lee. 

"Hotels are really structurally made very suitable for quarantine areas. Mayroon silang kaniya-kaniyang CR, may kaniya-kaniyang intercom, 'yong mga pagkain puwede mong iwan sa labas ng pinto," sabi niya sa panayam ng ABS-CBN News. 

Hinikayat din ni Lee ang iba pang negosyante na ipagamit ang kanilang hotel sa mga COVID-19 frontliner. 
 
"Ang iba, sinasabi wala na nga tayong kita ngayon, malulugi pa, gagastos pa tayo. Ang sinasabi ko naman, kung ini-expect n'yong kita, hindi na 'yan darating kung hindi tayo magtutulungan," sabi niya. 

Bukod sa branch nito sa Albay, magagamit din ng health workers nang libre ang The Oriental Hotel sa Tacloban, Leyte at Bataan, ani Lee. Inihahanda rin ng hotel ang isa pang branch nito sa Legazpi para magamit na quarantine site ng mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.

Binuksan din ng mga may-ari sa frontliners ang Villa Amada Hotel sa Albay. 

Hanggang nitong Martes, mayroon nang 13 kaso ng COVID-19 ang Bicol Region, kabilang ang 9 na mula sa Albay. 

Sa buong bansa, kinumpirma naman ng health department ang 3,764 kasoo ng naturang respiratory disease, kabilang ang 177 na nasawing pasyente at 84 na gumaling. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.