Libreng mental health counseling, alok sa gitna ng COVID-19 pandemic

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 05:54 AM | Updated as of Apr 07 2020 06:10 AM

Ilang mga lokal na pamahalaan ang may handog na mental health counseling sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa novel coronavirus.

Dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang natatakot at nangangamba para sa kaligtasan at kalusugan nila at sa pamilya nila.

Ayon sa Department of Health (DOH), posibleng nagdudulot ng stress, depresyon at lungkot ang mga nangyayari ngayon sa paligid kaya mahalaga na pangalagaan ang mental health. 

Ang Lungsod ng Taguig ay naglunsad ng Mental Health Support Teleconsultations para tumulong sakaling nakakaramdam ka ng kalungkutan o depresyon dahil sa COVID-19. 

Maaaring tumawag sa numerong 0917-581-3934 o 0961-734-0805. Makikita din ang numerong ito sa Facebook page ng I Love Taguig. 

Ang Muntinlupa Mental Health and Psychosocial Support naman ay may libre rin na counseling online. Tinawag nila itong Virtual Mental Health and Psychosocial Support at maaari mong i-chat sila sa Facebook page nila lalo kung stressed ka, laging nag-aalala at walang ibang masabihan. 

Paalala ng DOH, normal ang makaramdam nang kalungkutan at pag-aalala sa mga panahon ngayon kaya mainam rin aniya nama'y makausap na professional at malaking bagay ang mga libreng mental health counseling.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.