Mga pulis, bombero idinaan sa flash mob ang papuri sa Pampanga medical frontliners

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2020 02:35 PM

 

Nangharana at nag-flash mob sa gitna ng kalsada ang ilang pulis at bombero sa Pampanga para magbigay-pugay sa health frontliners na nangunguna sa pakikipaglaban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Gamit ang kantang “Fight Song” ni Rachel Platten, nagbigay-pugay ang mga pulis at bombero sa mga health frontliner ng Jose B. Lingad Regional Hospital sa kanilang katapangan laban sa COVID-19. 

Nasa 200 pulis ang lumahok sa flash mob, ayon kay Pampanga police director Col. Jean Fajardo. 

“Nagsetup po tayo ng banda po doon na may nga singers po tayo at tumtugtog po tayo ng instrumental. After a few songs po ay nag-formation po 'yung humigit kumulang na 200 members ng PNP Pampanga pati na rin 'yung Bureau of Fire Protection,” ani Fajardo. 

Nai-post ito sa social media, at ngayo’y may aabot sa 1 milyong views na. 

Ang nasabing ospital ang itinalagang COVID-19 treatment facility ng Region 3. 

Naglabas din ang mga pulis ng ibang mensahe ng pagsaludo at paghikayat sa mga frontliner. 


— Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.