TINGNAN: Mga patok na pasyalan sa GenSan sa papalapit na summer

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2018 03:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung naghahanap ng kakaibang beach experience ngayong summer, maaaring subukan ang bagong floating water park sa General Santos City.

Mayroon itong 20 playgrounds kung saan puwedeng mag-slide, umakyat, lumundag at mag-balanse.

Perfect din sa buong pamilya ang tinaguriang "pinakamalaking" floating water park sa Mindanao.

Nagkakahalaga ng P299 ang isang oras na paglalaro dito at mayroon ding kasama na life vest.

Dapat ay nakasuot ng proper swimwear at kung maaari ay may suot na rubber sandals para hindi madulas.

Bukod sa beach, puwede ring subukan ang mobile ice skating rink sa lungsod.

Tulad ng ibang sports, dapat ay may safety gears gaya ng helmet. Pero puwede lang ito sa mga may tangkad na 4 feet pataas.

Bawal ding maghabulan at magtulakan sa loob ng rink para makaiwas sa aksidente

Nasa P160 hanggang P200 ang bayad dito kada oras.

Umiikot sa Mindanao ang mobile ice skating rink at magtatagal lang ng hanggang Mayo sa General Santos City.

--Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.