'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs handog sa mga residente ng Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 06:48 PM | Updated as of Apr 03 2020 09:24 PM

Kakaibang diskarte ang naiisip ng ilang barangay sa Las Piñas City sa pag-iwan ng relief goods para sa kanilang mga residente. ABS-CBN News

MAYNILA - Bago makapasok sa mga barangay sa Las Piñas City, kinakailangan munang magpa-disinfect; bibigyan ng face mask, gloves, at iisprayan ng alcohol ang mga kamay ng mga bibisita. 

Ayon sa lokal na pamahalaan, sinikap na unahin ang pamimigay ng relief goods sa mga residente. 

"Ang mga barangay captain rin po mayroon silang budget na nangunguna rin po sila na makapagbigay ng relief,” paliwanag ni Las Piñas City administrator Reynaldo Balagulan. 

Kasama ang Las Piñas sa mga hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN. 

Nadatnan ang bawat bahay na may upuan kung saan ilalagay ang relief goods para walang direktang pag-contact sa namimigay ng relief goods. 

Ayon kay Teodoro Quilatan, kapitan ng Barangay Pulang Lupa Dos, malaking bagay ang ipinapakitang kooperasyon ng kaniyang mga nasasakupan. 

"Makikita niyo po sa labas dito, halos wala nang tao. Ang mga tao nasa loob nalang ng bahay. Tahimik na po dito,” ani Quilatan. 

Para sa nurse at kagawad na si Vilma De Castro, malaking bagay ang hindi paglabas ng bahay para hindi pa kumalat ang COVID-19.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ang hindi paglabas ng bahay ay nakakatulong po sa kapwa o sa sambayanang Pilipino po para hindi po kumalat ang virus,” ani De Castro, na nagsabing wala pa muling naitatalang kaso ang barangay dala ng pag-sunod ng kanilang mga residente. 

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa tulong na inihatid ng kampanyang "Pantawid ng Pag-ibig."

"Marami ho ang naibigay na tulong sa amin… Ito ay nakaabot po sa aming mamamayan lalo na po iyong mga nasa laylayan,” ani Balagulan. 

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

• Century Pacific Food Inc. 
• Rebisco
• Suy Sing Corporation
• Lucio Tan Group Inc.
• McDonald's
• Quick Chow Noodles
• Mega Sardines
• Great Taste 3-in-1
• Sunsilk Shampoo
• Safeguard
• Hana Shampoo
• Champion Detergent
• Unilab
• Ritemed
• Generika Drugstore
• Air21
• Entrego

Nananawagan ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations, na gagamitin para ipambili ng pagkain at basic necessities ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine. 

 -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.