Local designers gumawa ng face masks, shields para sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2020 07:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukod sa mga personal protective equipment (PPE) na nilikha nina Michael Leyva at Rajo Laurel, kapit-bisig din ang mga lokal na designer sa paggawa ng face masks at face shield para sa frontliners, senior citizens, at iba pa.

Sa Iloilo City, double-layer cotton washable masks ang ibinigay ni Bo Parcon sa frontliners sa ilang ospital sa lungsod.

Sanib-puwersa naman LGBTQ community sa 5,000 face masks -- na ginawa ni Jomar Peralta -- na ipinamahagi sa mga sundalo, kapulisan at senior citizens sa Umingan, Pangasinan.

Frontliners ng ospital sa Macabebe, Apalit at Mexico sa Pampanga naman ang nakatanggap ng washable masks na dinisenyo ni Adrian Sahagun.

Mga empleyado naman ng call center companies at bangko, mga tauhan sa canteen, at mga guwardiya ang ginawan ng face masks ni Jobert Cristobal sa Mandaluyong City.

Mga madre ng St. Francis Parish Church sa Parañaque ang nabiyayaan ng face masks ng swimsuit designer na si Domz Ramos.

Nag-abot din si Ramos ng face masks sa frontliners ng National Kidney Transplant Institute sa Quezon City.

Si Raymund Nepomuceno, na taon-taong panatang gumawa ng mga maskara sa Moriones Festival, ay gumawa ng face shields sa frontliners ng Marinduque.

Pati medical workers ng Philippine General Hospital ay nabiyayaan din ng face shields ni Nepomuceno.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.