RECIPE: Spicy chicken barbecue

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 11:25 AM | Updated as of Mar 28 2019 01:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nais mo bang mapaanghang ang putahe niyo ngayong araw?

Maaari kang maghain ng spicy chicken barbecue na bukod sa maanghang ay nakakabusog pa at madaling ihain. 

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” ngayong Huwebes ang guest kusinero na si Tatung Sarthou para ipakita kung paano lutuin ang spicy chicken barbecue.

Narito ang mga sangkap: 

  • 1 kilo manok
  • 1/2 tasa ng patis
  • 1/2 tasa ng asukal
  • 1/4 tasa ng suka
  • 1/4 cup ng sriracha
  • 2 kutsara ng luya
  • Tanglad
  •  Bawang
  •  Paminta
  •  Mantika

Paraan ng pagluluto: 

1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at haluing mabuti.

2. Ibabad ang manok sa marinade nang magdamag.

3. Iprito ang timpladong manok.

4. Ihain ang spicy chicken barbecue.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.