Ano ang celibacy, abstinence?

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2018 12:36 AM | Updated as of Dec 20 2018 10:22 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Karaniwang panahon ng pagtitika, pangingilin, o pag-aayuno ang Kuwaresma, lalo na pagsapit ng Semana Santa.

Sa ganitong banal na okasyon, ipinapakita ng ilang Katoliko ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kapatawaran ng kasalanan, pag-iwas sa pagkain ng karne, gayundin ang pag-iwas muna sa pagtatalik ng mga mag-asawa.

"Abstinence 'yon kung 'di ka magme-make love during the Holy Week... sexual abstinence is when someone voluntarily abstains from having any form of sexual intercourse," paliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

"Abstinence can be temporary. Nag-a-abstain ka. So puwedeng may make love ng ilang buwan tapos after so many months, siguro after two months [nang walang pagtatalik], mayroon ulit make love."

Iba ito sa tinatawag na celibacy dahil mas pangmatagalang estado iyon ng hindi pakikipagtalik.

"Kapag sinabi mong in one year wala kang sex, ibig sabihin celibate ka. One year na wala kang any kind of sexual activity... it means a permanent state of being without sex," paliwanag ng doktor.

Karaniwan aniya ang celibacy sa mga pari, madre, at maging sa mga single na pinipiling manatiling virgin o walang karanasan sa pagniniig.

"Usually these are due to religous vows or chastity. People who are celibate are typically unmarried... people can come out of celibacy and in most cases, do when they become married," sabi ni Marquez.

Ipinaliwanag din ng doktor kung bakit mas mahirap para sa kalalakihan na mag-practice ng celibacy o kaya'y pangingilin sa pagtatalik.

Karaniwan daw kasing mas mataas ang nibel ng testosterone sa mga lalaki, kumpara sa mga babae.

"Men are driven by testosterone to want sex... ito 'yong hormone of libido... women are driven to a lesser degree.. Nae-explain kung bakit mas napa-practice ng kababaihan ang celibacy kaysa kalalakihan," ani Marquez.

Pero sabi rin ng doktor, may kakayahan ang tao na kontrolin ang pagnanais sa pagtatalik kaya puwede niyang piliin ang celibacy o kaya'y abstinence anumang panahon.

"There is no medical side effect from being celibate or abstinent," sabi ni Marquez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.