TINGNAN: Binibining Pilipinas 2019 candidates sumabak sa pictorial

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2019 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasunod ng pagpili ng mga opisyal na kandidata para sa Binibining Pilipinas 2019, sumabak agad ang mga ito sa kanilang unang pictorial.

Kasama ng 40 kandidata ang batikang photographer na si Raymond Saldaña sa pictorial na may peg na "Immaculate White."

Golpe de-gulat ang swimsuit pictorial na may temang gubat at wild animals. Kasama ng mga kandidata rito sina Saldaña at designer na si Domz Ramos. 

Sinuportahan ng pinuno ng pageant na si Stella Marquez-Araneta ang mga kandidata sa kanilang pictorial.

Inaasahang bibigyan din ng suporta ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga kandidata sa kaniyang pagbabalik sa bansa sa Abril.

Sa una nilang public appearance, nakipag-meet-and-greet na rin ang mga kandidata sa mga tagahanga.

Mas titindi pa ang showdown ng mga kandidata sa kanilang talent competition sa susunod na weekend.

Ihahatid ng ABS-CBN ang highlights ng pageant hanggang sa coronation night sa Hunyo 8. -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.