TINGNAN: Dambuhalang strawberry cake ibinida sa La Trinidad

Micaella Illao, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 12:22 PM

Ibinida ang giant strawberry cake sa Strawberry Festival sa bayan ng La Trinidad, Benguet. Micaella Illao, ABS-CBN News


LA TRINIDAD, Benguet - Ibinida sa Strawberry Festival ng nasabing bayan ang isang dambuhalang strawberry cake. 

Ang cake ay may bigat na 1.6 tons, taas na 1.6 meters at lapad na 2.55 meters.

Ang panghimagas na ito ay ginamitan ng 600 kilos na strawberry, 3,000 na malalaking itlog, 300 kilo na asukal at 750 kilo na harina.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.