Mga batang may special needs, sumailalim sa hydrotherapy

Joanna Tacason, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 04:08 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong summer, kakaibang activity at adventure ang ginawa ng mga batang may special needs sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Bukod sa indoor occupational therapy na ginagawa ng mga bata, sumabak din sila sa hydrotherapy.

Ang hydrotherapy ay therapeutic activity na ginagawa sa mga batang may autism, cerebral palsy, at Down syndrome.

Malaki raw ang tulong ng tubig para mabawasan ang nerve pain ng physical impairment at masanay ang muscles.

“We don't need any form of machines, we need the water. The water gives us the opportunity para sa mga batang hindi makalakad na ma-deal nila. Pag lumusong sa water yung heart nila, yung endurance nila gaganda," ani Alvin Paragas, physical therapist sa Stimulation and Therapeutic Activity Centers-Asingan.

Paraan din daw ito para mahasa hindi lang ang physical skills ng mga bata pati ang kanilang interaction sa ibang tao.

“Dati hindi siya makapagsalita ngayon nakikipaglaro na. Maraming improvement," ani Martina Badua, isang lola.

Kasabay ng hydrotherapy, importante rin ang suporta ng pamilya para sa kanilang mabilis na development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.