Para sa araw na ito, Marso 19, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 10:01 AM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Huwebes, Marso 19, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Huwag reklamo nang reklamo. Matutong makontento at maka-appreciate ng tiawal na binigay ni boss.
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 1

Year of the Ox 
Love star ay activated. Ngitian lahat ng makikita mo ngayong umaga.
•Lucky Color: Orange
•Lucky Number: 4

Year of the Tiger 
Huwag puro emosyon. Kailangang planuhin maigi at harapin agad ang problema.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 5

Year of the Rabbit 
Conflict day ang araw na ito. Umiwas sa gulo at huwag puro salita dahil baka hindi mo naman ito magawa.
•Lucky Color: Beige
•Lucky Number: 8

Year of the Dragon 
Love star sa marriage niyo ay activated. Suyuin si partner ay ikaw ay magpakumbaba.
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 9

Year of the Snake 
Sabihin sa isang ka-trabaho ang plano dahil teamwork ang kailangan para maging succesful ang project niyo.
• Lucky Color: Violet
• Lucky Number: 12

Year of the Horse 
Hindi na sila natutuwa sa mga banat mo. Maging sensitive at umiwas sa trouble star na nasa chart.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 3

Year of the Sheep 
Huwag puro sarili ang iniisip. Maging open sa suggestions ng mga ka-grupo mo para wala silang masabi sa iyo kung sakaling mag-fail ang project.
•Lucky Color: Silver
•Lucky Number: 2

Year of the Monkey
Huwag mag-dalawang isip na mag-imbestiga dahil para naman sa ikakasigurado ng tagumpay iyan ng relasyon niyo.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 7

Year of the Rooster 
Ikaw ang pinakamasuwerte today. Maraming blessing star ang nasa chart mo. Magplano ng travel at isama ang buong pamilya.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 6

Year of the Dog 
Sakripisyo at tiis-tiis muna dahil para naman iyan sa buong pamilya mo. All this will be worth it in time.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 11

Year of the Pig 
Huwag puro yabang. Activated ang jealousy star dahil baka ikaw ang target nilang siraan.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 15

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.