RECIPE: Softdrinks adobo ala Winnie Cordero

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Mayroong samu't saring uri ng adobong manok na matitikman ngayon. 

Pero alam niyo bang maaaring itong gamitan ng softdrinks para mas maging malasa? 

Ibinahagi ng "Umagang Kay Ganda" kung paano magluto ng softdrinks adobo - o adobo na pinakuluan sa softdrinks. 

Narito ang mga sangkap: 

  •  1/2 kilo ng manok (legs, thighs, at wings)
  •  1 ulo bawang
  •  3 sibuyas
  •  1/4 tasa suka
  •  2 tasa dark softdrinks
  •  Asin
  •  2 kutsara toyo
  •  Crushed garlic 
  •  Mantikilya

Paraan ng pagluluto: 

Ibabad ang manok sa asin, paminta at suka. Gawin ito nang 30 minuto hanggang 1 oras. 

Pagkatapos, iprito nang bahagya sa mantika ang manok.

Sa hiwalay na kawali, magpainit ng mantika at maglagay ng bawang. 

Kapag bahagyang golden brown na ang bawang, maaari nang ilagay ang naipritong manok.

Idagdag ang softdrinks at sibuyas at hayaang kumulo hanggang sa lumapot. 

Lagyan ito ng toyo at paminta. 

Pakuluin hanggang sa maluto ang manok. 

Maaari nang ihain ang softdrinks adobo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.