Para sa araw na ito, Marso 17, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 10:50 AM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Martes, Marso 17, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Isang rose quartz crystal ang kailangan para ma-activate ang love star na nasa chart. 
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 2

Year of the Ox 
Conflict day today. Iwasan ang pagdududa kung ikaw ang dahilan ng pagkasira ng relasyon.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 9

Year of the Tiger 
Basahin bago pumirma sa contracts. Iwasan ang conflict case star. Magtanong muna sa isang attorney.
•Lucky Color: Orange
•Lucky Number: 5

Year of the Rabbit 
Citrine money crystal ay ilagay sa cashier box para tumawag ito ng maraming benta.
•Lucky Color: Red
•Lucky Number: 8

Year of the Dragon 
Isarado ang mga defective na toilet sa tindahan para makaiwas sa bad Feng Shui.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 7

Year of the Snake 
Illness star ay iwasan. Maghugas ng kamay all the time at umiwas sa matataong lugar.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 6

Year of the Horse 
Love star ay activated. Muling titibay ang relasyon niyo basta bibigyan mo siya ng second chance at papakinggan mo ang explanation niya.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 3

Year of the Sheep 
Ikaw ang pinakamasuwerte today. Humarap sa southwest para sa money luck star. Northeast naman ay may good health star.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 4

Year of the Monkey
Good future star ay activated. Lakasan ang loob dahil positive ang magiging resulta ng project mo.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 13

Year of the Rooster 
Money loss star ay nasa chart. Ingatan ang dalang pera dahil baka malaglag yan, lalo na kung nasa mataong lugar.
•Lucky Color: Silver
•Lucky Number: 13

Year of the Dog 
Mag-alaga ng pet dog para may magbantay sa bahay. Umiwas sa robbery star na nasa iyo.
•Lucky Color: White
•Lucky Number: 15

Year of the Pig 
Bago magpakasal, ipa-compute muna ang wedding date sa Feng Shui master.
•Lucky Color: Silver
•Lucky Number: 1

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.