RECIPE: Halaan soup

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2020 01:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kapag masama ang pakiramdam, nakagagaan sa sikmura ang paghigop ng masabaw na putahe. 

At para sa soup dish na siksik sa iba’t ibang sustansiya, maaari mong subukang magluto ng halaan soup, na itinuro ng Guest Kusinero na si Tatung Sarthou sa programang “Umagang Kay Ganda” ngayong Lunes. 

Mga sangkap:

  • 1 kilo halaan
  • 1 luya
  • 1 bawang
  • 1 sibuyas
  • Malunggay
  • 1 siling pansigang (optional)
  • Oil
  • 5 tasa ng tubig
  • Asin
  • Paminta

Paraan ng pagluluto:

  • Igisa ang bawang, luya at sibuyas
  • Ilagay ang tubig at pakuluin ito
  • Ilagay ang halaan at hintayin ulit itong kumulo
  • Maghintay sa loob ng dalawang minuto hanggang bumuka na ang mga halaan
  • Sunod na ilagay ang malunggay at siling pansigang
  • Timplahan ng asin at paminta
  • Maaari nang ihain ang halaan soup
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.