Para sa araw na ito, Marso 13, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 01:53 PM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Biyernes, Marso 13, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

 Year of the Rat 
Illness star ay iwasan. Problema sa tiyan ay bantayan. Kapag nagtuluy-tuloy ito ay agad nang magpatingin sa doktor.

  • Lucky Color: Beige
  • Lucky Number: 2

Year of the Ox 
Cheating star ay maiiwasan kung magiging hands-on sa pag-handle sa iyong career.

  • Lucky Color: Silver
  • Lucky Number: 5

Year of the Tiger 
Happy star ay activated. Isama ang buong pamilya sa weekend travel mo. 

  • Lucky Color: Gold
  • Lucky Number: 8

Year of the Rabbit 
Ikaw ang pinakamasuwerte today. May money star sa northwest sector. Love star naman ay nasa southwest sector mamayang alas-3 ng hapon.

  • Lucky Color: Red
  • Lucky Number: 7

Year of the Dragon 
Achievement star ay matatanggap today. Ibigay ang full effort sa lahat ng projects niyo.

  • Lucky Color: Yellow
  • Lucky Number: 12

Year of the Snake 
Betrayal star ay iwasan. Babaan ang expectation para hindi ka ma-traumatize sa sakit.

  • Lucky Color: Green
  • Lucky Number: 15

Year of the Horse 
Mag-monitor sa paligid mo, maging aware sa mga nangyayari at huwag basta-basta maniwala sa fake news.

  • Lucky Color: Blue
  • Lucky Number: 3

Year of the Sheep 
Good health star ay nasa chart. Patuloy ang paggaling mo kaya huwag nang matigas ang ulo.

  • Lucky Color: Orange
  • Lucky Number: 4

 Year of the Monkey
Opportunity star ay nasa iyo. Pumunta sa get-together na offer niya; may magandang opportunity kang makukuha.

  • Lucky Color: Pink
  • Lucky Number: 6

Year of the Rooster 
Conflict day ang araw na ito. Umiwas sa mga problema at huwag silang patulan. Lumayo at hayaan munang lumamig ang mga ulo niyo.

  • Lucky Color: Peach
  • Lucky Number: 9

Year of the Dog 
Love star ay nasa chart. May letter D, E, at R sa kaniyang pangalan. Humarap sa southwest habang kausap siya. 

  • Lucky Color: Violet
  • Lucky Number: 11

Year of the Pig 
Money star ay activated. Isang tawag ang may dalang malaking good news para sa iyo. Huwag i-silent ang phone mo. 

  • Lucky Color: Aqua
  • Lucky Number: 1
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.