GirlTrend member, modelo balak sumabak sa Bb. Pilipinas 2019

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 10:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dagsa na ang mga aplikanteng nangangarap mapabilang sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas, dalawang araw bago ang itinakdang deadline ng organisasyon. 

Isa sa mga binibining sorpresang lalahok ay ang miyembro ng grupong GirlTrend na si Jessica Marasigan. 

Itinuturing na "early favorite" ang dalaga dahil bukod sa karanasan sa showbiz ay runner-up din siya sa Miss Earth pageant noong 2017. 

"I want to give myself a chance... It's like an unfinished business, may something na pulling you," sabi ni Marasigan.

Palaban din ang maraming first timers sa pageant kung saan paglalabanan ang anim na titulo.

"I used to be an athlete. I think the same determination can give me a crown," ani Nicole Magno mula Butuan. 

Mayroon ding sumaling ballet teacher, dentista, travel host, pharmacist, nurse, stewardess, at iba pa.

Ang isang guro mula Bicol, inaming sasali siya sa pageant para mahanap ang tunay na magulang. 

"A part of me still wants to know my identity," ayon kay Leslie Lasticaro.

Ito na ang ika-56 edisyon ng Binibining Pilipinas, na muling ipalalabas sa ABS-CBN sa Hunyo.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.