RECIPE: Maranao dish na 'Palapa Piyareng Udang'

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 01:43 PM | Updated as of Mar 12 2020 02:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Paboritong Maranao dish ang Palapa Piyareng Udang - o sugpo na iniluto sa gata na pinasarap ng iba't ibang pampalasa, gaya ng pampaanghang na chili paste. 

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang Guest Kusinero na si James Tinjo para ibahagi kung paano magluto ng Palapa Piyareng Udang. 

Narito ang mga sangkap

Mga pangunahing sangkap: 
• 12 pirasong sugpo
• Palapa dry mixture
• Sakurab o chili sambal paste
• 2 cups ng niyog
• Turmeric powder
• Asin
• Paminta
• Mantika

Palapa mixture
• 2 sibuyas
• 4 butil ng bawang
• 5 pirasong siling labuyo
• 2 pirasong bell pepper
• 1/4 tasang luya
• 2 tasang gata ng niyog
• 1/4 tasang galangal
• 4 tangkay ng tanglad
• Asin

Sakurab (chili sambal paste)
• 1 pirasong sibuyas
• 1/4 tasang luya
• 1/4 tasang galangal
• Coriander
• 5 pirasong siling labuyo
• Spring onion
• Tanglad
• Asin
• Mantika

Paraan ng pagluluto: 

Palapa mixture
• Dikdikin ang lahat ng sangkap maliban sa gata.
• Iluto ang mixture at isama ang gata, haluin hanggang maluto, itabi.

Sakurab
• Dikdikin ang sibuyas, luya, galangal, coriander, siling labuyo, spring onion at tanglad
• Igisa ang mixture hanggang maluto. Timplahan ng asin at paminta at itabi.

Palapa Piyareng Udang
• Magpainit ng kawali at ilagay ang chili sambal paste
• Ihalo ang turmeric powder. Ilagay ang sugpo at pakuluan ng 5 minuto
• Isunod ang gata. Timplahan ng asin at paminta
• Huling ilagay ang palapa mixture.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.