Para sa araw na ito, Marso 12, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 07:32 AM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Huwebes, Marso 12, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Ang ego at pride ay huwag pairalin. Ang offer ni boss ay makatutulong sa pag-improve ng working life mo. 
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 3

Year of the Ox 
Huwag maging sensitive sa sinasabi nila. Focus ka lang sa sarili at pakinggan ang mga criticism para sa'yo.
•Lucky Color: Beige
•Lucky Number: 6

Year of the Tiger 
Ikaw ang pinakamasuwerte today. Humarap sa northeast bandang alas-3 ng hapon para ma-activate ang money star.
•Lucky Color: Red
•Lucky Number: 8

Year of the Rabbit 
Mag-focus sa trabaho at responsibilidad. Unahin mo iyan at huwag makialam sa trabaho ng iba.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 11

Year of the Dragon 
Sabihin at ipaalam agad sa kaniya ang napansin mong mali sa project. Huwag matakot mag-voice out dahil para sa ikagaganda ng project iyan.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 2

Year of the Snake 
Itigil ang pag-iisip ng negative. Tumataas ang anxiety level at lalong lumalaki ang problema.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 12

Year of the Horse 
Today is going to be a good day. Mag-move on ka na sa kahapon at mag-focus sa future ng pamilya mo.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 4

Year of the Sheep 
Ilaban kung mahal mo talaga siya. Ipaalam sa kaniya na hindi basta-basta sumusuko.
•Lucky Color: Orange
•Lucky Number: 5

Year of the Monkey
Conflict day today. Umiwas sa init ng ulo at mag-focus sa ginagawa para matapos lahat 'yan.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 7

Year of the Rooster 
Gaganda ang kalusugan kung magkakaroon ng healthy and balanced lifestyle.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 9

Year of the Dog 
Napatawad ka na niya. Alas-3 ng hapon mo siya kausapin at suyuin. Dalhan mo ng paborito niyang pagkain.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 15

Year of the Pig 
Gamitin ang social skills sa pagbebenta ng mga produkto. Maraming wealth star sa chart.
•Lucky Color: Silver
•Lucky Number: 1

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.