Para sa araw na ito, Marso 11, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 09:35 AM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Miyerkoles, Marso 11, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Wisdom star ay nasa chart. Good grades ay makukuha dahil sa tiyaga at sipag na binibigay sa school.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 2

Year of the Ox
Ikaw ang pinakamasuwerte ngayon. Money star ay nasa northeast sector mamayang alas-5 ng hapon. Love star naman ang nasa west direction.
•Lucky Color: Red
•Lucky Number: 6

Year of the Tiger
Sa panahon ng problema makinig ka sa hinaing niya at ikaw ang maging "one call away" friend niya.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 5

Year of the Rabbit
Ipaalam sa kanila ang maling nagawa mo at huwag mong hayaan na malaman pa nila ito sa iba.
•Lucky Color: Orange
•Lucky Number: 9

Year of the Dragon
Huwag agad umamin sa nararamdaman mo. Alamin muna ang tunay niyang layunin at mag-ingat sa mga manipulative na nakakausap.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 11

Year of the Snake
Happy star ay nasa chart. Iwasan ang pag-iisip nang nega sa kaniya at huwag magduda dahil tunay siyang kaibigan.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 15

Year of the Horse
Unti-unting lumayo sa negative na workmates; hindi iyan healthy sa work ethics mo.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 3

Year of the Sheep
Conflict day ngayon. Personal na kausapin ang nakaalitan mo at huwag sa cellphone para mas magkaintindihan kayo.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 4

Year of the Monkey
Respeto sa isa't isa ang kailangan. Pakinggan ang hinaing nila at maging balanse sa pagdedesisyon.
•Lucky Color: White
•Lucky Number: 7

Year of the Rooster
Huwag matakot sumubok ng mga bago. Maraming success star sa chart mo today. Take the risk.
•Lucky Color: Aqua
•Lucky Number: 8

Year of the Dog
Ang kanilang opinyon sa iyo ay para sa ikabubuti mo. Huwag magtampo at tanggapin ang sinasabi nila sa iyo.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 12

Year of the Pig
Huwag ikumpara ang sarili sa buhay ng iba. Self-confidence at tiwala sa sarili ang kailangan mo.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 1

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.