Water park sa Pampanga, dinayo ng mga 'bayani ng Marawi'

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 08:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinayo ng mga sundalong "bayani" sa pagpapalaya sa Marawi ang isang water park sa Pampanga.

Kasama ng mahigit 100 sundalo ang kani-kanilang pamilya na ilang buwan din nilang di nakasama sa kasagsagan ng pakikipagbakbakan sa mga terorista.

Pinakamasaya sa karanasan ang mga anak ng mga sundalong na-miss ang kanilang mga magulang na nakipaglaban para sa bayan.

"It's a good break, relaxation for our troops, (Mainam ito para makapahinga rin ang ating tropa)," ani Lt. Col. Michael Lugtu ng Philippine Army.

BULACAN WATER PARK

Nagsimula na ring dagsain ang isang water park sa Bulacan.

Isa sa mga atraksiyon ng liwasan ang pool na may naglalakihang alon na mala-dagat din ang dating.

Mayroon ding slides na deretso sa pool at zipline para sa mga adventurous.

Inaasahang lalo pang dadami ang dadayo sa water parks kasabay ng napipintong deklarasyon ng pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.