Mobile app para sa ligtas, epektibong serbisyo ng mga masahista

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 04:56 PM | Updated as of Jan 10 2020 01:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung naghahanap ng masahista na makapagbibigay ng ginhawa sa katawan, hindi na kailangang lumabas pa ng bahay at magtungo sa mga spa at wellness center.

Mayroon na kasing mga mobile app kung saan maaaring magpaserbisyo sa mga massage therapist sa inyong bahay nang ligtas at sa anumang oras na gusto.

Sa wellness app na Zennya, centralized ang monitoring o pagbabantay sa seguridad ng mga kliyente at ng mga therapist, na karamihan ay nagsanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

"The therapists are strategically located throughout the city near the clusters of higher demand, and whenever the client books, the nearest therapist will receive that request," sabi ni Brian Perley, co-founder ng Zennya.

Dahil sa wellness app na ito, nakapag-pundar ng bahay ang massage therapist na si Annalyn Mercado.

"Napakadaling mahanap 'yong client mo kung nasaan," ani Mercado.

Bago magtrabaho gamit ang app, mayroon munang libreng isang linggong pagsasanay para matuto ng wellness services tulad ng pagmamasahe at grooming.

Bukod sa mga massage therapist, nangangailangan rin ang Zennya ng physical therapists, home nurses, caregivers, at fitness instructors.

"They don't need to have prior experience, so we offer initial training which includes practical and theoretical training," ani Perley.

Sa ulat ng Department of Labor and Employment at Philippine Statistics Authority, patuloy na lumalaki ang labor force o lakas paggawa ng Pilipinas dahil sa service sector, na ngayon ay umangat na sa tulong ng teknolohiya.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.