RECIPE: Hamonadong sugpo

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 12:30 PM | Updated as of Mar 10 2020 12:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Karaniwang inihahain ang hamonadong sugpo sa Malolos, Bulacan tuwing may handaan. 

Masagana din ang kasaysayan ng nasabing putahe - na inihahain umano noong araw sa mga prayle at mga ilustrado noong panahon ng mga Kastila. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" noong Martes ang guest kusinera na si Lea Cajucom para ibahagi kung paano magluto ng manamis-namis na hamonadong sugpo. 

Narito ang mga sangkap:

• 1/2 kilong sugpo
• Asin
• Paminta
• Pineapple chunks
• Pineapple juice
• 7 kutsarang asukal
• 1 pirasong star anise
• 1/4 tasang butter
• Curing Salt
• 1 butil bawang

Paraan ng pagluluto: 

Ibabad ang sugpo sa asin, paminta, sabaw ng pineapple chunks sa loob ng 30 minuto.

Igisa ang bawang sa butter.

Ilagay ang ibinabad na sugpo.

Isunod ang pineapple chunks at iluto ng 3 hanggang 5 minuto.

Pagsama-samahin ang asukal, star anise at pineapple juice. Iluto hanggang lumapot.

Ihalo ang nailutong sugpo at iluto nang 10 minuto.

Maaari nang ihanda ang hamonadong sugpo.