Para sa araw na ito, Marso 10, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 07:51 AM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Martes, Marso 10, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Ikaw ang pinakamasuwerte today. Start the day right. Smile and spread positivity. Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay para ang mind at health ay maganda.
•Lucky Color: Red
•Lucky Number: 2

Year of the Ox 
Love star ay activated. May letter K, E, at T sa kaniyang pangalan. Sa social media mo siya posibleng makilala.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 5

Year of the Tiger 
Marami ang naiinggit sa iyo sa workplace. Huwag ipagyabang ang proyektong ibinigay sa iyo para maiwasan ang jealousy star.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 8

Year of the Rabbit 
Anger star ay iwasan. Maraming susubok sa pasensiya mo ngayong araw. Inhale at exhale ang kailangan. Stable lang ang emosyon.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 9

Year of the Dragon 
Tunay at seryoso ang intensiyon niya sa'yo. Huwag magduda at ibigay sa kaniya ang buong pagtitiwala.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 12

Year of the Snake 
Tipirin ang energy. Mahaba-haba ang araw.
•Lucky Color: White
•Lucky Number: 15

Year of the Horse 
Conflict day today. Umiwas sa matataong lugar at huwag patulan ang gumagawa ng masama sa iyo. Ikaw na ang kusang lumayo.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 3

Year of the Sheep 
Isang dating kaibigan ang sisira ng magandang samahan niyo. Iwasan ang pagpo-post ng personal na problema sa social media.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 4

Year of the Monkey
Good health ay tulong sa'yo para gumanda at mag-improve ang kalusugan. Sundin ang payo ng doktor at huwag matigas ang ulo.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 8

Year of the Rooster 
Magpahinga kapag pagod na. Health is wealth kaya mahalagang isingit ang exercise sa busy schedule mo.
•Lucky Color: Aqua
•Lucky Number: 7

Year of the Dog 
Siya na ang kusang sumuko kasi lagi kang walang time. Pahalagahan ang oras niyong dalawa at baka sakaling bumalik pa 'to.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 11

Year of the Pig 
Bantayan ang kaniyang body language. Kilalanin siyang mabuti at tingnan ang social media account niya. Iwasan ang cheating star. 
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 1

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.