ALAMIN: Paano buuin ang disiplina sa pagdidiyeta?

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 01:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Maituturing na suliranin para sa mga nagsisimulang magdiyeta ang kawalan ng disiplina sa pag-eehersisyo at pagkain ng masustansiyang putahe. 

Pero ayon sa mga celebrity fitness coach na sina Toni at Jim Saret, may mga maaaring gawin para buuuin ang disiplina sa pagpapanatili ng timbang. 

Ayon kay Toni, mahalagang alamin ang motibo sa pagdidiyeta. 

"Know your 'why.' Bakit nga? 'Yung talagang may pinaghuhugutan ka. Bakit mo siyang gustong gawin? Bakit mo siya ginagawa, hindi lang dahil 'yun lang, dahil inaantay mo pang mataningan ka," ani Toni sa "Sakto" ng DZMM. 

Paliwanag niya na hahanap-hanapin ng katawan ang pagkain nang maayos at pag-eehersisyo kapag nagtuloy-tuloy na ang pagdidisiplina. 

"We're changing your patterns of behavior, 'yung mindset mo, psychological, mental, emotional, spiritual, physical, physiological. Kasi 'pag sinanay mo na may disiplina ka... magiging sanay na ang katawan mo, magiging habit siya. Habit-forming siya. Gagawin mo na siya every day hanggang it becomes your lifestyle," aniya. 

Mahalaga rin daw na may baguhin sa morning routine bilang hakbang para disiplinahin ang sarili sa pagdidiyeta, tulad ng paggising nang maaga, ayon kay Jim Saret. 

"If you wanna do something different, baguhin mo talaga 'yung routine mo... Kung gumigising ka ng 6 subukan mong gumising ng 5 then that's the start na talaga," aniya. 

Importante rin aniya ang suporta ng ibang tao para magtuloy-tuloy ang pagkain nang maayos at pag-eehersisyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.