Paano pangalagaan ang kasaysayan sa gitna ng pagkalat ng 'fake news'?

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 01:33 PM | Updated as of Feb 25 2020 02:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Susi ang tamang pagkilatis sa mga nababasang balita para maipreserba ang kasaysayan at maiwasan pa ang historical revisionism o ang pagkalat ng mga pekeng impormasyon ukol sa kasaysayan, ayon sa isang historian. 

Sa pagkalat ng iba't ibang impormasyon na hindi matiyak kung tunay nga ba o hindi, iginiit ng historian na si Tala Celina Batangan na importante pa ring maging kritikal sa binabasang impormasyon 

"Social media very useful po siya to unite people. Kasi pag-open mo pa lang ng Twitter, very useful po. Alam niyo na ang opinyon ng mga tao o kaya sa Facebook pero kailangan ding maging careful kasi sa social media may fake news may historical revisionism kailangang basahin with critical eyes pa rin po," aniya sa "Sakto" ngayong Martes, nang tanungin kung paano maipepreserba ang kasaysayan sa gitna ng pag-usbong ng social media. 

Laganap kasi aniya ang fake news at hindi naman aniya masisisi ang ilang mga taong nagse-share nito minsan lalo't iba-iba ang mga pinanggagalingan ng mga ito. 

"Sa tingin ko po baka 'di lang po nila alam minsan kulang ng resources na walang magandang history textbooks, at lahat din po tayo may bias so kaya dapat maging maingat din po tayo sa mga biases natin," paliwanag ni Batangan. 

Sa bilis kasi aniya ng pagdating ng impormasyon maaaring hindi na nasusuri nang maayos ang nakikitang balita. 

Sa kabila nito, tingin ni Batangan na mas nagiging kritikal ang mga bagong henerasyon sa mga nababasa sa Internet. 

"Sa panahon ngayon ng social media, feeling po conscious choice na hindi lang isang article basahin," ani Batangan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.