PANOORIN: Paggawa ng sushi art

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 12:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sino ang mag-aakala na ang masarap na sushi ay maaari palang disenyuhan para maging mas kaakit-akit sa paningin?

Sushi art ang tawag sa paglalagay ng disenyo o larawan sa sushi, isang pagkaing Japanese na gawa sa kanin at hilaw na laman ng hipon o isda na kadalasang ibinabalot sa pabilog na dahong nori.

Isa si Janet De Guzman Salazar sa mga Pinoy na nagsasanay sa naturang sining, na natutunan niya sa Tokyo Sushi Academy sa Shinjuku, Japan.

Kabilang sa mga disenyo sa sushi ay mga bulaklak, Chinese lantern, ibon, at mukha ng panda bear.

Bukod sa sushi, pinag-aralan din ni Salazar ang paggawa ng dinisenyuhang bento box o iyong mga packed meal.

Sa programang “Matanglawin,” tinuruan ni Salazar ang dancer na si AC Bonifacio ng paggawa ng sushi na may disenyong sakura o cherry blossom flower.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.