RECIPE: Tilapia fillet sa gata

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 12:49 PM | Updated as of Feb 18 2020 01:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Gusto mo ba ng kakaibang paghain ng tilapia na abot-kaya pa rin sa bulsa? 

Maaari kang magluto ng tilapia fillet sa gata, isang seafood dish na bukod sa ma-krema ay masustansiya rin. 

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” ngayong Martes ang Guest Kusinero na si Jobert De Chavez para ibahagi kung paano lutuin ang tilapia fillet sa gata. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1 pirasong tilapia
• 2 tasang harina
• Mantika
• 5 butil ng bawang 
• 1 pirasong sibuyas 
• 1 pirasong luya
• 1 tasang gata
• ½ tasang tubig
• Kangkong
• 1 pirasong siling pangsigang
• 2 kutsarang annatto oil 
• Asin o patis
• Paminta
• Slurry

Paraan ng pagluluto 

Linisin ang isda, hiwain sa gilid at alisin ang tinik nito.

Pahiran ng harina at iprito hanggang mag golden brown ang magkabilang parte. Hanguin at itabi.

Sa hiwalay na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at luya. 

Isunod ang gata at tubig. Pakuluan hanggang lumapot.

Ilagay ang pritong isda, kangkong, siling pangsigang at annatto oil. Timplahan ng asin at paminta.

Maaari nang ihain ang tilapia fillet sa gata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.