RECIPE: JaMica Penne Love o Tuna Penne ala Jay-R, Mica Javier

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 12:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ika nga nila: love is all that matters. 

Iyan ang inspirasyon sa likod ng putaheng "JaMica Penne Love" o tuna penne with red sauce na ibinahagi nina "R&B Prince" Jay-R at ang kaniyang fiance na si Mica Javier sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes. 

Kuwento ni Javier, nakahiligan niyang magluto ng pasta habang nag-aaral sa New York. 

Naisipan niya umanong lagyan ng tuna ang kaniyang putahe lalo't manok at isda lang ang kinakain ni Jay-R. 

Narito ang mga sangkap: 

  • 5-8 kutsara cream
  • 1 buo sibuyas
  • 1 buo bawang
  • 12 piraso kamatis
  • 1/2 kutsarita sea salt
  • 1 cup olive oil
  • 1 sachet maliit tomato paste
  • 1/2 kutsarita paminta
  • 12 piraso basil leaves
  • 1/2 kilo penne pasta
  • 2-4 lata ng tuna
  • Parmesan cheese
  • 1 lemon

Paraan ng pagluluto: 

Pakuluan ang penne pasta.

Maggisa ng bawang, sibuyas at kamatis.

Ilagay ang tomatoe paste at tuna.

Timplahan ng asin at paminta.

Ilagay ang creamer.

Isunod na ilagay ang penne pasta.

Ilagay ang anin na pirasong dahon ng basil.

Lagyan ng parmesan cheese.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.