RECIPE: Sinigang na lechon kawali

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:01 AM | Updated as of Feb 12 2020 11:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Bagay sa malamig na panahon ang maasim-asim at mainit-init na sinigang. 

Maaari mo 'tong lagyan ng twist sa pamamagitan ng pagprito ng lechon kawali bilang pangunahing karne ng dish. 

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang mag-asawang sina Jerald at Analyn Bautista para ibahagi kung paano magluto ng sinigang na lechon kawali. 

Parte ito ng "Cook With Love" segment ng programa.

Kuwento ni Analyn, nakahiligan nilang mag-asawa ang lechon kawali at sabaw kaya nila nagawa ang nasabing putahe. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1 kilo pork liempo
• Asin
• Mantika
• 3 piraso kamatis
• 1 piraso sibuyas
• 3 piraso gabi
• 5 piraso okra
• 1 taling sitaw
• 1 taling kangkong
• ½ tasa pinakuluang sampalok

Paraan ng pagluluto: 

Sa isang kawali, ilagay ang liempo at asin. Pakuluan hanggang sa makuha ang tamang lambot nito. Hanguin at itabi ang pinaglagaan.

Matapos pakuluan, iprito ang baboy hanggang maging golden brown ang kulay nito.

Sa pinaglagaan ng liempo, ilagay ang kamatis, sibuyas at gabi.

Sunod na ilagay ang okra, sitaw at kangkong.

Ihalo ang pinakuluang sampaloc bilang pampaasim.

Ilagay ang lechon kawali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.