RECIPE: Chicken binakol

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2020 04:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Tuwing malamig ang panahon, masarap na ihain ang mga putaheng may maiinit na sabaw. 

Isa sa mga maaaring lutuin kapag malamig ay binakol, isang chicken soup dish o manok na pinakulo sa coconut water at iba pang mga sangkap. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Biyernes ang guest kusinera na si Trixie Reyes para ibahagi kung paano magluto ng chicken binakol. 

Narito ang mga sangkap: 

  • 1 buong manok
  • 1 kutsarang mantika
  • 3 butil ng bawang
  • 1 buong sibuyas
  • 1/2 tasang luya
  • 4 tasang sabaw ng buko
  • 1 ½ tasang laman ng buko
  • 1 buong papaya (hilaw)
  • Tanglad
  • Dahon ng sili
  • Patis
  • Paminta

Paraan ng pagluluto: 

Maggisa ng bawang, luya, sibuyas at tanglad hanggang lumabas ang aroma nito.

Isangkutsa sa gisado ang manok at hayaan nang 5 hanggang 7 minuto o hanggang maluto ang manok.

Timplahan ng patis at paminta ang guisado bago ihalo ang sabaw ng buko at hayaang kumulo.

Sunod na ilagay ang papaya at laman ng buko. Hayaang lumambot ang papaya.

Huling ilagay ang dahon ng sili isang minuto bago hanguin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.