RECIPE: Binagoongang baka sa gata

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 12:17 PM | Updated as of Jan 30 2020 12:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahilig ka ba sa ginataang ulam? Maaari mong subukang maghain ng binagoongang baka sa gata, na taglay ang pinaghalong tamis at anghang. 

Ibinahagi ng Guest Kusinera na si Lorelie Mallari sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes kung paano lutuin ang binagoongang baka sa gata. 

Narito ang mga sangkap: 

• 1/2 kilo laman ng baka
• 1 basong gata
• 1 basong bagoong alamang
• 1 pirasong kamatis
• 1 pirasong bell pepper
• 5 pirasong siling haba
• 1/2 ulo ng bawang
• 1/2 tasang luya
• 1 buong sibuyas
• Asin
• Paminta

Paraan ng pagluluto: 
Igisang mabuti ang bagoong alamang sa luya, bawang, sibuyas at kamatis.

Sunod na ilagay sa guisado ang karne ng baka. Sangkutsahing mabuti bago takpan hanggang lumambot.

Ihalo ang gata kapag malambot na ang baka. Isunod ang sili at bell pepper.

Timplahan ng paminta ayon sa panlasa.

Maaari nang ihain ang binagoongang baka sa gata. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.