Babaeng may kanser, lalaking PWD ikinasal matapos ang 30-taong pagsasama

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 06:00 PM

Retrato mula kay DJjanda Marcelino

Ika nga nila, "Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."

Tila ganiyan ang nangyari kina Annavilla Marcelino at Enrique Gallano na matapos ang 3 dekadang pagsasama ay ikinasal sa ospital sa Dumaguete City noong Biyernes.

Si Marcelino, 56, ay may stage 4 breast cancer habang person with disability naman si Gallano, 59, matapos maputulan ng kaliwang paa dahil sa aksidente noon.

Nagdesisyon ang dalawa na magpakasal dahil gusto nilang mabiyayaan ng Panginoon ang kanilang pagsasama, ayon sa pamangkin ng dalawa.

Nagbunga na rin noon ang pagmamahalan nila dahil may isa na silang anak na may edad 29.

Ilang beses na raw nagplanong magpakasal noon ang dalawa pero hindi matuloy-tuloy dahil sa kakulangan sa pondo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.