KILALANIN: Ilan sa Binibining Pilipinas 2019 hopefuls

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 08:51 PM | Updated as of Jan 25 2019 03:25 AM

Ilan sa mga sasali sa Binibining Pilipinas 2019 sina Denisa Mork at Patrixia Santos na parehong mula Bicol. Screengrab

Kaniya-kaniya bersiyon ng "lava walk" ang mga bagong hopeful sa Binibining Pilipinas 2019 na ngayon pa lang ay sumasabak na sa training bago ang opisyal na aplikasyon sa Pebrero.

Kabilang na rito ang dalawang kababayan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na sina Denise Omorog mula Catanduanes at Patrixia Santos mula Daraga, Albay.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi naman pahuhuli ang Filipino-American host na si Monica Ortiz mula Florida.

Si Ortiz ay nagtrabaho bilang mga karakter na Pocahontas at Moana sa Disney World.

Kabilang din sa mga nakaw-eksenang aplikante sina Mutya ng Pilipinas 2017 Eileen de Vera at Binibining Pilipinas 2018 1st runner-up Samantha Bernardo.

Sabay ang Binibining Pilipinas search sa homecoming ni Gray na itinakda sa Pebrero.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.