Taal evacuees nagpasalamat sa mga namahagi ng donasyon, pagkain

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 07:00 PM | Updated as of Jan 22 2020 07:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa gitna ng mga hinarap na problema matapos ang pag-alboroto ng Bulkang Taal, lubos ang pasasalamat ng mga evacuee sa mga namahagi ng donasyon sa kanila. 

May ilan, gaya nina Lovely Amon na nagkatay ng baboy at pinamahagi sa mga evacuee. 

Sa malaking kawa iniluto ang ipinamahaging lutong baboy sa mga residente. 

"Nagkatay pa po kami ng baboy tapos iyong iba po dinistribute po namin sa mga bahay, bahay na meron din pong evacuees," ayon sa residenteng si Lovely Amon. 

Parte si Amon ng angkan ng Malapitan, isang grupo ng 100 kaanak na nagtipon-tipon sa paglikas. 

Mangiyak-iyak naman ang isa pang evacuee na si Crystal Gutlay sa pagbigay ng gatas para sa mga anak. 

"Sobrang thankful. Atsaka po maraming nagbigay ng gatas niya. Marami pong nagdonate sobra pong blessed," ayon sa evacuee na si Crystal Gutlay. 

Pilit namang ngumingiti ang mga evacuee sa barangay San Jose sa bayan ng San Luis. 

Nagmistulan kasing disyerto ang kanilang lugar nang balikan ito. 

"Lagpak, lahat walang nakatira," ayon sa evacuee na si Leonisa Aquino. 

Kaya naman binigyan sila ng food packs, sa tulong ng ABS-CBN at mga naipaabot na donasyon ng mga nais tumulong. 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.