PANOORIN: Tips ng feng shui expert sa pag-attract ng love life

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 07:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv
Video by Karen Flores Layno, ABS-CBN News

MAYNILA – Sa mga nais magkaroon ng love life ngayong Year of the Metal Rat, makakatulong ang paglagay ng kulay pink na ilaw sa inyong kuwarto, ayon sa isang feng shui expert.

Sa panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni Hanz Cua na ang paglagay ng kulay pink na ilaw, kandila, o kurtina sa southwestern section ng silid-tulugan ay makaka-attract ng tinatawag na love star sa feng shui ngayong 2020.

Makakadagdag din daw sa suwerte sa pag-ibig ang pagsusuot ng pink na damit o underwear, at ang paglagay ng rose quartz na pulseras sa kaliwang kamay.

Sa bisperas ng bagong lunar year o sa Enero 24, inengganyo ni Cua ang pagsulat ng detalyadong hiling ng pag-ibig sa kulay pink na papel. Pagkatapos isulat ang wish ay sunugin ang papel na ito gamit ang kandila na kulay pink din, aniya.

Payo rin ng feng shui expert na magpalit ng magandang profile picture sa social media bago pumasok ang Year of the Metal Rat dahil mas makakahatak daw ito ng suwerte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.