KILALANIN: Funko Pop collector na may higit 400 laruan sa koleksiyon

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2020 01:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ka rin ba sa mga mahilig mongolekta ng Funko Pop o iyong mga maliliit na pigura ng mga pop culture character?

Ipinakilala ngayong Linggo sa "Matanglawin" si Gel Rodriguez Tacuboy, na umaabot sa higit 400 Funko Pop na ang nakokolekta.

"Anything na makita ko na cute, talagang mababaliw ako," ani Tacuboy, na 5 taon nang nangongolekta ng mga nasabing vinyl toy.

Ayon kay Tacuboy, hindi niya inaasahang lalaki ang kaniyang koleksiyon.

Pinakauna niyang Funko Pop ay iyong alien mula sa animated movie na "Toy Story."

Bukod sa alien, nariyan din ang mga Funko Pop ng mga Disney princess at Care Bears.

Pinaka-rare umano sa koleksiyon ni Tacuboy ay ang Funko Pop ng karakter na si Benson, na 4 taon niyang hinanap at nabili pa mula Australia.

Itinuturing naman ni Tacuboy na star ng kaniyang koleksiyon ay ang kaniyang paboritong animal, ang penguins mula sa pelikulang "Penguins of Madagascar."

Ayon kay Tacuboy, bukod sa nagdudulot sa kaniya ng kaligayahan, nagsisilbi ring inspirasyon ang mga Funko Pop para magsipag siya lalo sa trabaho.

"It keeps me going tapos parang nagiging inspiration din siya for me to work harder para makuha ko 'yong gusto kong toys," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.