RECIPE: Sinampalukang isda with gabi ala Taberna

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghahanap ka ba ng sabaw ngayong malamig ang panahon?

Maaari mong subukang magluto ng sinampalukang isda with gabi na paborito ni "Umagang Kay Ganda" host Anthony Taberna. 

Bumisita sa programa nitong Miyerkoles ang mga guest kusinera na sina Benita at Heidi Taberna, na ina at kapatid ni Anthony, para ibahagi kung paano iluto ang dish. 

Narito ang mga sangkap: 

  • 1 bawang
  • 1 sibuyas
  • 3 native gabi
  • 1 kilo ng bangus, hinimay
  • 1 tali ng mustasa
  • Sampalok na piniga o sinigang mix
  • Mantika
  • Patis
  • Tubig
  • Siling haba

Paraan ng pagluluto: 

Igisa ang bawang at sibuyas sa kaserola bago ilagay ang hinimay na isda. Timplahan ng patis at haluin. 

Isunod ang gabi, konting tubig, at pinigang sampalok. Takpan at hayaang kumulo.

Pagkulo, ilagay ang mustasa at siling haba, dalawang minuto bago hanguin sa apoy. 

Maaari nang ihain ang sinigang na isda with gabi. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.