Miss Universe Catriona Gray 3 maleta lang ang baon sa New York

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 08:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Higit isang linggo matapos ang kaniyang paglipad sa New York para simulan ang reign bilang Miss Universe 2018, tila naka-adjust na si Catriona Gray sa bagong tahanan matapos ang serye ng media guesting niya sa sari-saring talk show sa Amerika. 

Ilan lang sa mga TV shows na dinalaw ni Gray ang Good Morning America, Good Day New York, Build Series, Inside Edition, at Celebrity Page TV.

Sa panayam kay Gray, ibinahagi niya ang normal na araw para sa kaniya simula nang lumipat sa New York.

"The typical day so far has been [to] wake up at around 4 A.M. which isn’t that hard for me because of the jet lag... Then, it’s a full day of interviews with a break for lunch. Finishing around 6 P.M. and then I retire at home," ani Gray. 

Dagdag ni Gray, kakaunti lang ang gamit na dinala niya sa New York, na ikinagulat ng mga opisyal ng Miss Universe. 

"I brought my bible. Actually, I didn't bring a lot. When I first met my manager, and also someone from the apartment, they were like, 'Oh my gosh! You only have three suitcases? This is the lightest anyone has ever arrived.' And I was like, really," kuwento ni Gray. 

Abangan ang buong panayam kay Gray sa Rated K sa Linggo.


—Ulat ni Korina Sanchez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.