Paano pakitunguhan ang 'maingay, tsismosang' kapitbahay?

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 05:14 PM | Updated as of Jan 10 2020 09:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nagiging pasakit para sa ilan ang maiingay na kapitbahay, lalo na kung itinuturing itong "tsismosa." 

Kung kailangan na talagang komprontahin ang kapitbahay, dapat maging kalmado, ayon sa life coach na si Marivic Ang sa programang "Sakto" ng DZMM. 

"May mga neighbours na sakit sa ulo na notable na 'wow, siya yung problem," aniya. 

"Let's try to be civil. Let's say sa barangay. Approach mo siya pero in a common ground. Huwag mong pasukin sa bahay." 

Kung lumala naman ang sitwasyon, payo ni Ang na pumunta na sa barangay at ayusin ang problema sa legal na paraan. 

Ganito rin ang maaaring gawin, ayon kay Ang, sa mga kapitbahay na maingay tuwing gabi. 

Pero payo niya, unahin ang sarili sa pagsunod ng mga utos sa barangay. 

Binigyang-halimbawa ni Ang ang pagkompronta nila noon sa maingay na kapitbahay. 

"[Dati kasi kami] iniisa-isa yung kapitbahay na may issue siya yung dogs [ng kapitbahay] nagdudumi [sa lote namin] kaya clean after your dogs," ani Ang. 

At para naman mapabuti ang reputasyon sa barangay, payo ni Ang na maging mabait at responsableng kapitbahay. 

"Be open try to reach out maging guardian ng bahay nila social responsibility alam mong may nag-aaligid sa kabilang bahay lalo na kung wala yung home owner. If you live in a village sa security ng village [dumulog]," ani Ang. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.