Makikinig, kausap, uunawa, kailangan ng may depresyon

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2018 11:16 PM | Updated as of Jul 02 2019 05:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Palakaibigan at madalas kasama ng mga celebrity ang 32 anyos na si Julian Mauricio, isang freelance journalist. 

Walang mag-aakala na apat na beses na siyang nagtangkang magpakamatay.

"I've survived four suicide attempts... When I was 4 years old kasi, I was sexually abused," kuwento ni Mauricio. "My parents, naghiwalay sila when I was 13 years old."

Stress ang isa sa itinuturong trigger ng kaniyang depressive episodes.

"'Yong pakiramdam kong walang may pakialam sa'kin, na kahit may mangyari sa 'kin walang mag-aalala," sabi ni Mauricio.

Ipinaliwanag ng psychologist-psychiatrist na si Randy Dellosa ang pinagdaraanan ni Mauricio.

"'Yong depression niya ay nanggagaling din sa isang personality disorder [dahil sa] unstable emotions, unstable pananaw sa sarili, unstable relationships," sabi ni Dellosa.

Taong makikinig at makakausap ang isa sa makatutulong sa isang may depresyon.

"Mahirap naman talagang humanap ng taong makikinig sa'yo na walang judgment," ani Dellosa. "So kung may sinabi ang tao na gusto nilang magpakamatay, we have to take it seriously, because that might be a cry for help."

Bukod sa pagpunta sa espesyalista, maaari ring tumawag ang mga nakararanas ng depresyon sa "Hope Line" ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

May 180 calls kada araw ang kanilang natatanggap at 120 rito ay mula sa kabataan o millennials na dumaranas ng depresyon.

"We listen with a heart, with compassion... We help them find possible solutions and guide them sa kanilang decisions," ani Wilchard Lanar, assistant operations manager ng Hope Line.

Gusto ni Mauricio na maging tulay sa mga kagaya niyang dumaranas ng depresyon para maipakitang maraming dahilan upang mabuhay sa kabila ng mga problema.

"Huwag kayong matakot. hindi nakakahiya humingi ng tulong... The reason I'm being open is I want to show them na it gets better."

-- Ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.