ALAMIN: Mga lugar sa bahay na hindi maswerte ngayong 2019

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2019 10:08 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Gamit ang isang compass, maaaring malaman ng may-ari ng bahay ang 4 na lugar kung saan hindi maswerte ang 2019, ayon sa Feng Shui master na si Hanz Chua.

Nasa southwest o timog kanluran ang "misfortune star," sa southeast naman ang pagnanakaw, pagtaksil at pandaraya, sa south ang kaso sa korte at sa northeast ang illness o sakit.

Maaaring maglagay ng lata na may 5 pirasong bato sa southwest para labanan ang malas, ayon kay Chua.

Iwasang maglagay ng maliwanag na ilaw at mga bagay na kulay pula o luntian sa south. Sa southeast naman, maaaring maglagay ng isang basong tubig, ayon kay Chua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.